Sa isang bayan malapit sa kabundukan, Mayroong mag-ina na naninirahan. Ang Balo na si Aling Rosa, kasama ang kanyang nag-iisang anak na ang pangalan ay Pinang.
Si Pinang ay labis na mahal ng kanyang inang si Rosa. Halos lahat ng magustuhan ng dalagita ay binibigay ni Aling Rosa. Bagamat napakabait ng kanyang ina, ang batang si Pinang ay taliwas sa ugali ng kanyang ina. Hindi man lamang ito mautusan, o magkusang kumilos sa loob ng kanilang bahay. Pinilit naman ni Aling Rosa na turuan ng gawaing bahay ang kanyang anak, ngunit lagi na lamang itong may dahilan.
"Nasaan ang walis?" tanong ni Pinang nung minsan syang inutusan magwalis.
"Nasaan ang posporo?" tanong din ni Pinang ng ito ay inutusang magparingas ng kalan.
Nakasanayan ng nang dalagitang si Pinang ang magtanong ng magtanong sa halip na hanapin ang isang bagay.
Isang araw, si Aling Rosa ay nagkasakit. Sa sobrang panghihina, ay walang magawa si Aling Rosa kundi ipag utos sa kanyang nag-iisang anak na ipagluto sya ng Lugaw.
"Nasan ang sandok?" sigaw ni Pinang
"Nandyan lang sa katabi ng kalan" saad naman ni Aling Rosa.
"Hindi ko makita eh" muling saad ni Pinang
Nakailang tanong pa si Pinang bago tuluyang mahanap ang sandok.
Sa inis ng kanyang ina ay binanggit nito na sana ay tubuan ito ng maraming mata upang mahanap ang di nya nakikita. Matapos isalang sa kalan ang lugaw, ay agad nang kumaripas ng takbo si Pinang palabas ng bahay upang maglaro.
Naiwan ng dalagita ang nakasalang pang lugaw.
Nang maamoy ni Aling Rosa ang tila nasusunog na lutuin, ay napilitan itong bumangon upang patayin ang kalan.
Halos muntikan nang masunog ang bahay nila Pinang.
Napakamot na lamang ito sa ulo, ngunit sa kabilang banda ay pinagsilbihan naman sya ni Pinang kahit papano.
Kinagabihan, hindi na umuwi si Pinang sa kanilang bahay. Lubos na nag-aalala na si Aling Rosa kung bakit di pa rin nauwi ang kanyang anak. Gustuhin mang lumabas ng bahay, ay hindi nito magawa sapagkat ito ay nanghihina.
Kinaumagahan, nagawa ni Aling Rosa na lumabas ng bahay upang ipag tanong-tanong sa kapitbahay kung nakita ba ng mga ito si Pinang. Bigo ang ginang na matagpuang ang kanyang anak.
Labis na nagdadalamhati si Aling Rosa dahil sa pagkawala ni Pinang. Hanggang sa isang araw, ay may tumubong isang halaman sa bakuran ng ginang. Kalaunan, ang halaman ay namunga, at napansin ni Aling Rosa na ang halaman ay maraming mga tuldok na tila maihahambing sa isang mata. Noon na lamang nya naalala ang kanyang anak na si Pinang.
Iba pang Alamat at Kwentong Bayan