Cupid at Psyche (Buod at Aral)

Cupid at Psyche (Buod at Aral)


Minsan, may isang hari na may tatlong anak na mahal na mahal niya. Ang isa sa kanila ay nagngangalang Psyche, na siyang pinakabata at pinakamaganda. Mahal na mahal ng mga tao si Psyche na kahit ang diyosa na si Venus, na napakaganda, ay hindi maihambing.

Dahil dito, labis na nagustuhan ng lahat si Psyche at ito ang nagpagalit kay Venus. Sinabihan niya ang kanyang anak na si Cupid na paibigin si Psyche sa isang nakakatakot na nilalang na halimaw ang itsura.

Pero sa totoo lang, iba ang nangyari. Agad na nahulog si Cupid kay Psyche nang makita siya nito dahil labis na maganda si Psyche. Nang umuwi si Cupid, hindi niya sinabi sa kanyang ina ang nangyari, at naniwala si Venus sa kanya.

Hindi naganap ang gustong mangyari ni Venus kay Psyche na ito ay umibig sa isang halimaw. Sa halip ay sinamba lamang ito ng mga kalalakihan maliban doon ay tila walang nangahas na umibig kay Psyche.

Lubos na nabahala ang mga magulang ni Psyche kaya't lumapit ito kay Apollo upang himingi ng payo.

Ngunit lingid sa kaalaman ng mga magulang ni Psyche ay nauna nang humingi ng tulong si Cupid kay Apollo at gumawa ng plano.

Sinabi ni Apollo sa ama ni Psyche na bihisan ng damit pamburol ang anak na dalaga at dalhin sa tuktok ng bundok. Dito ay susunduin daw ito ng mapapangasawa na isang halimaw.

Malungkot na umuwi ang amang hari ni Psyche. Gayunman ay sinabi ng hari ang kapalaran ng anak at buong tapang itong hinarap ng dalaga.

Nang marating ni Psyche ang pinakamataas na bahagi ng bundok, nagsimulang magdilim. Nakaramdam siya ng takot sa maaaring mangyari. Ngunit pagkatapos, isang banayad na hangin ang dumating at hinipan siya patungo sa isang magandang parang. Ang parang ay napakalambot, parang isang kumportableng kama, at may magagandang amoy bulaklak sa paligid.

Nakahanap si Psyche ng isang talagang kalmado at tahimik na lugar kung saan tumigil siya sa kalungkutan at nakatulog. Nang magising siya, nakita niya ang isang napakagandang bahay sa tabi ng ilog na parang ginawa para sa mga Diyos. Napakaganda talaga nito na may mga haliging ginto at pilak. Pagkatapos, narinig niya ang isang boses na nagsasabing sila ay mga katulong at sila ay naghanda ng isang malaking pagkain para sa kanya.

Si Psyche ay napakasaya at kumakain ng masarap na pagkain. Pagdilim ay dumating ang kanyang magiging asawa. Katulad siya ng mga boses na hindi niya nakikita, ngunit hindi na siya natakot dahil napagtanto niyang hindi siya halimaw. Siya na talaga ang lalaking hinihintay niya. Isang gabi, sinabi niya sa kanya na pupunta ang dalawa niyang kapatid sa bundok kung saan siya dinala. Ngunit hindi niya pinayagang magpakita si Psyche sa kanila.

Ganito talaga ang nangyari. Walang nagawa si Psyche kahit na naririnig niya ang pag-iyak ng kanyang mga kapatid. Pagkaraan ng ilang araw, tinanong ni Psyche kung makikita niya ang kanyang mga kapatid, at malungkot na sinabi ng lalaki na oo.

Kinaumagahan ay inihatid ng ihip ng hangin ang mga kapatid ni Psyche at agad nagkita ang magkakapatid.

Dito nalaman ni Psyche na alam pala ng kanyang mga kapatid na halimaw ang lalaki ayon sa saad ni Apollo sa kanilang ama ay bawal makita ang mukha nito.

Doon natanto ni Psyche na kaya pala hindi nagpapakita ng mukha ang lalaki marahil ay tama nga ang sinabi ng kanyang kapatid. Humingi ng payo si Psyche sa kanyang mga kapatid ay siya'y binigyan ng punyal at lampara upang makita sa dilim ang mukha ng lalaking mapapangasawa.

Nang mahimbing nang natutulog ang lalaki ay sinindihan ni Psyche ang lampara at kinuha ang punyal. Lumapit ito sa higaan ng lalaki at laking tuwa nya ng malamang hindi naman pala ito halimaw bagkus ay napakagwapo pala nito.

Wari nya ay ito na ang pinaka gwapong nilalang sa mundo.

Dahil sa kagustuhang makita ni Psyche ang kanyang asawa ay inilapit niya ang lampara at aksidente nabuhusan ng mainit na mantika ang kanyang dibdib dahilan upang siya ay magising. nalaman ng lalaki ang pagtataksil ni Psyche at agad na umalis.

Sinundan ni Psyche ang lalaki palabas ngunit hindi na siya muling nakita.

Narinig na lang niya ang boses niya at ipinaliwanag niya kung ano ba talaga ang pagkatao niya.

Umuwi si Cupid sa kanyang ina upang gamutin ang sugat sa kanyang balikat. Agad kumalat ang balita tungkol sa pangyayari at determinado si Venus na ipakita kung gaano kalaki ang galit ng Diyosa.

Naglakbay si Psyche at humingi ng tulong sa ibang mga diyos, ngunit nabigo sila dahil tumanggi silang labanan si Venus.

Pagdating ni Psyche sa palasyo ni Venus, tanging tawanan ang natamo at nalaman na pumunta si Psyche doon para hanapin ang asawa.

Ipinakita nito kay Psyche ang mahihirap na pagsubok kabilang ang paghubog ng pira-pirasong buto bago sumapit ang gabi, pagkuha ng ginintuang balahibo ng isang mapanganib na tupa, pagkuha ng itim na tubig mula sa malalim na talon, at isang kahon na naglalaman lamang ng kagandahan mula kay Proserpina.

Mabuti na kalagayan ni Cupid bago bumalik si Psyche, ngunit ipinakulong siya ng kanyang ina na si Venus upang hindi siya makita ni Psyche.

Masayang bumalik si Psyche sa palasyo ni Venus at si Cupid naman ay nagtungo sa kaharian ni Jupiter upang humingi ng tulong na wag na silang gambalain ng kanyang ina.

Nagpatawag ng pagpupulong si Jupiter kasama na doon si Venus at ipinahayag na si Cupid at Psyche ay pormal nang ikinasal.

Dinala ni Cupid si Psyche sa kaharian ng mga Dyos at doon ay iniabot ang "Ambrosia" na kapag kinain ay magiging imortal.

Naging panatag na si Venus na mapangasawa ni Cupid si Psyche sapagkat isa na din itong Dyosa.

Source:

https://www.marvicrm.com/2017/10/cupid-at-psyche-buod

Cupid at Psyche (Buod at Aral)