Ang halaman ang isa sa mga pinaka-importanteng bahagi ng ating daigdig. Isa ito sa mga nagsisilbing taga-bigay ng oxygen sa ating mundo, bukod pa dito ang mga bunga na maari nitong ibigay sa mga tao man o hayop. Narito ang listahan ng mga bahagi ng halaman.
Bulaklak - Ang bulaklak ang gumagawa ng paraan upang dumami pa ang halaman. Dito nanggagaling ang binhi na madalas
tangayin ng mga ibon at malaglag sa kalupaan. Ang bulaklak ay madalas gamitin palamuti sa kahit na anung okasyon.
Dahon - Ang dahon ay isa sa mga responsable para mabuo ang proseso ng photosynthesis. Dito tumatama ang liwanag na galing sa araw at lumilikha ng oxygen.
Tangkay - Ang tangkay ang nagsisilbing pundasyon ng isang halaman. Ito ang nagdudugsong sa katawan ng halaman at dahon. Ito rin ang daanan ng tubig na papunta sa mga dahon.
Bunga - Ang bunga ng halaman ang nagsisilbing produkto na maaring kainin ng tao o hayop. Ito rin ay may buto na maaring itanim at maging isang halaman muli.
Ugat - Ito ang parte ng halaman na responsable sa pagsipsip ng tubig mula sa ilalim ng lupa. Ito rin ang nagsisilbing matibay na pundasyon ng halaman.
Iba pang Alamat at Kwentong Bayan: