Mga Bahagi ng Pananalita - Wikang Filipino


Ang Wikang Filipino ay may ibat ibang uri at bahagi ng pananalita.

Maiging pag aralan ang mga ito para malaman ng mga estudyante ang tamang pag gamit sa pananalita natin araw araw.

Ano ang ibat ibang bahagi ng Pananalita?

Pangngalan (noun)

Panghalip (pronoun)

Pandiwa (verb)

Pang uri (adjective)

Pang abay (adverb)

Pangatnig (conjunction)

Pang-ukol (preposition)

Pang-angkop

Ano ang Pangngalan?

Ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, pook, o ideya. Anumang bagay na tumutukoy sa isang “bagay” ay isang pangngalan.

May dalawang uri ng pangngalan

1.      Pangngalang pantangi

2.      Pangngalang pambalana.

Ang pangngalang pantangi ( proper noun) sa wikang Ingles ay tumutukoy sa tiyak na pangalan ng tao, bagay, hayop, pook at pangyayari.

Ang pangngalang pambalana ( common noun) ay ang mga pangngalan na ginagamit sa pagtukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, pook o lugar at mga pangyayari.

Ano ang Panghalip?

Ang panghalip ay salitang ginagamit na panghalili sa pangalan ng tao, bagay, o pangyayari na hindi na ibig pang ulitin. Iniiwasan ang tinatawag na redundacy sa mga pananalita.

Pinapalitan ng panghalip ang isang pangngalan sa pareho o kasunod na pangungusap. Iniiwasan ng mga panghalip ang pag-uulit at pinapasimple ang mga pangungusap.

Ang mga halimbawa ng panghalip ay ang mga salitang ako, ikaw, siya, nila, kanila, kanya, natin, atin at iba pa.

Ano ang Pandiwa?

Ang pandiwa (verb) ay bahagi ng pananalita nagsasaad ng ginagawa ng paksa ng pangungusap. Ito ay maaaring maglarawan ng mga gawain, pangyayari, at estado ng pagkatao.

Ito ay tinatawag na verb sa wikang Ingles din. Ang pandiwa ang mga salitang nagpapakilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita.

Ano ang Pang-uri?

Ang pang-uri (adjective) ay isa sa mga bahagi ng pananalita na naglalarawan o nagbibigay-turing sa mga bagay, tao, lokasyon, kaganapan, at marami pang ibang bagay.

Ang pang-uri ay kadalasan ginagamit para bigyan linaw ang isang uri ng pangngalan (noun) o panghalip (pronoun).

Halimbawa ng pang-uri na naglalarawan sa pangngalan ay dilaw (kulay), tatlo (bilang), limang kaban (dami), mahaba (laki), pangit (hitsura) at parisukat (hugis).

Halimbawa ng pang-uri na naglalarawan sa panghalip ay masipag (sila), matalino (siya), masunurin (kami), at mapagkumbaba (kayo).

Ano ang Pang-abay?

Ang mga pang-abay ay bahagi ng pananalita na, tulad ng mga pang-uri, ay nakakatulong upang malinawan sa isang pangungusap o sugnay sa pamamagitan ng pagbabago (paglalarawan) ng isa pang salita.

Karaniwang ginagamit ang mga pang-abay upang sagutin ang mga tanong tulad ng “Paano?” “Saan?” “Kailan?” “Gaano kadalas?” at magkano?”

Ano ang Pangatnig?

Ang pangatnig (conjunction) ay bahagi ng pananalita na ginagamit bilang pang-ugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay o pangungusap upang makabuo ng kaisipan ng isang pahayag.

Ilan sa halimbawa ng pangatnig ay ang mga salitang subalit, ngunit, subalit, pero, datapwat, kaso, at, o, habang, samantala, bagaman, kundi, sapagkat, kasi, kung at kung kaya.

Ang pangatnig ay may siyam na uri. Ito ay ang Pamukod, Panubali, Paninsay, Pananhi, Panapos, Panlinaw, Panimbang, Pamanggit at Panulad.

Ano ang Pang-angkop?

Ang pang-angkop ay ang mga kataga, na bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.

Sa wikang Filipino mayroong tatlong uri ng pang-angkop ito ang na, ng, -ng at -g.

Ang pang-angkop na “na” ito ay nagdudugtongng dalawang salita na kung saan nagtatapos sa katinig ang nauunang salita maliban sa letrang “n”. Hindi ito isinusulat nang nakadikit sa unang salita. Inihihiwalay ito. Nagigitnaan ito ng salita at ng panuring.

Ang pang-angkop na “ng” naman ay ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa patinig (a, e, i, o, u.). Ikinakabit ito sa unang salita. Samantalang ang pang-angkop na “-ng” naman ay ginagamit para dugtungan ang magkakasunod na salita na kung saan nagtatapos sa katinig na “n” ngunit kinakaltas na ito kaya hindi ang pang-angkop na “g” ang ginagamit.

Ang pang-angkop na “-g” ay ginagamit kung ang salitang durogtungan ay nagtatapos sa titik na “n”.

Ano ang Pang-ukol?

Ang pang ukol ( preposition) ay bahagi ng pananalita na nag uugnay sa pangngalan o panghalip sa ibang salita sa pangungusap.

Ito ay ginagamit upang matukoy kung saang lunan o kung anong bagay ang mula o tungo, ang kinaroroonan, ang pinangyarihan o kina-uukulan ng isang kilos, gawa, balak ari o layon. Ang mga ito ay laging may layon na maaaring isang pangngalan o isang panghalip.

Ang mga halimbawa ng pang-ukol ay ang mga salitang sa/sa mga, ng/ng mga, ni/nina, kay/kina, sa/kay, tungkol sa/kay, labag sa, nang may, hinggil sa/kay, nang wala, para sa/kay, laban sa/kay, ayon sa/kay, tungo sa at alinsunod sa/kay.

Ano ang Pantukoy?

Ang pantukoy ay ang katagang nangunguna sa pangngalan o panghalip na ginagamit na simuno o kagaganapang pansimuno o panag-uri o alinman sa dalawa. Ang bahagi ng pananalita na ito ay ginagamit upang ipakilala ang tao, lunan, bagay o pangyayari.

Ang dalawang uri ng pantukoy ay ang pangtangi at pambalana. Ang pantukoy na pambalana ay tumutukoy sa pangngalang pambalana. Halimbawa nito ay “ang”, “ang mga” at “mga”.

Ang pantukoy na pantangi naman ay tumutukoy sa pangngalang pantangi. Halimbawa nito ay ay “si”, “sina”, “ni”, “nina”, “kay” at “kina”.

Ano ang Pangawing o Pangawil?

Ito ay bahagi ng pananalita na nagpapakilala sa ayos o pagkakasunod ng pangungusap. Ito ay salitang nagkakawing ng paksa (o simuno) at panaguri sa pangungusap.

Halimbawa nito ay ang salitang “ay”.